Nasaktan ako noon. Masakit, sobrang sakit. Tatlong taon kaming magkasama sa ginhawa at kabiguan.Itinaguyod ang isa’t isa pero di naiiwasang madalas magiwanan, maglaglagan pero higit sa lahat, magkabalikan. Pero dumating ang araw na nagkasawaan pero pinilit tuparin ang sinumpaang pagmamahalan sa harap ng mga kaibigan. Nagkasal-kasalan sa hardin ng kagalakan, punong puno ng kilig ang parehong mga mata habang nangangako saksi ang nooý maaliwalas na kalangitan. Masaya isipin at balikan di ba? Pero gaya nga ng aking sinabi kanina lamang, dumating ang puntong nagkakasiraan na lamang ang nooý nagmamahalan.
Nakilala natin ang isa’t isa sa hindi inaasahang pagtatagpo sa harap ng madilim at umuulang lawa ng probinsya. Kapwa masaya at tumatawa dahil sa walang hanggang usapan tungkol matanda na nagbuntis pa noong nasa edad na singkwenta. Dahil parehong sawi sa nakaraang pag ibig ang dalawa, naging magkasintahan sila kahit alam nilang hindi pa nila lubos kilala ang isa’t isa. Makaraan ang ilang bwan ay nagsama. Galak sa parehong pagtatapos sa magkaibang eskwelahan ay parehong ipinagdiwang hanggang sa magtapat sa parehong magulang at pamilya ng tunay nilang estado. Mahirap pero nangyaring tinanggap sila ng magkabilang panig kahit na ito ay isang malaking pagkakamali.
Lumisan ang isa, isang bwan nangulila ang kabiak. Dahil sa lubos na pagmamahalan, nagtulungang magkita muli hanggang sa tahakin ang realidad bilang mga empleyado at nangakong magiging matagumpay sa tulong ng isa ‘t isa. Lumipas ang ilang taon at lalong lumalim ang pagsasama hanggang sa magkasakitan madalas sa hindi maintindihang damdamin ng isa, siguro ay lugod ng Diyos mangyari ang lahat ng pighati para na rin sa ikabubuti.
Ön-Off” kung tawagin ng karamihan ang relasyon mayroon sila noon hanggang sa makahanap ng mas mabuting tao ang noo ‘ y nagsasawang kapares ng ngayong sumusulat ng kwentong ito. Masakit, hindi maiwasang luha ang pumapatak sa mga mata kong pilit namulat sa katotohanang may mahal ng iba ang dati ‘y nangangarap kasama niya. Ilang buwan naghinagpis ang dating kapareha na ngayon ay kaibigan niya.
Nagtagpo muli ang mga landas bilang magkaibigan. Nagpapayuhan at nagkapalitan ng magagandang talastasan pero hindi maikukubli sa mga mata ng sumusulat ng kwentong ito ang masaklap na nangyari noon. Pinilit humarap sa mga taong kasama nila at naging bahagi ng makulay nilang relasyon noon . Natutong maging matatag at itago ang lungkot sa maamong mukha. Ginawa ang lahat para maibsan ang sakit ng puso na matagal ng nagdaramdam.
Ilang buwan ang lumipas, ang naiwan ay nasaktan at sya ring iniwan ng taong minahal at inakalang hindi sya masasaktan. Di gaya ng nauna, hindi naging matagumpay ang pagtatapat ng dating kasintahan sa pamilya. Sa halip na magsaya at tanggapin, ito ‘y naging dahilan ng pagsumpang hindi nais makamit ng sino man. Hindi maitago ng sumusulat nito ang kanyang hinagpis na makitang lumuluha ang dati ay iniingatan ngunit madalas din na masaktang kapareha. Tinulungan nya itong makabawi kahit kapalit nito ay higit na sakit dulot ng nakaraan. Hanggang ngayon, handa nya itong alagaan sa panahong kailangan ng dati ay dahilan ng kanyang kasiyahan.
Marami ang nagaakalang magkakaayos ang dalawa pero kahit na may pagmamahal pa ang isa, mas pinili nya na hindi masaktan ang mga taong lubos na nagmamahal sa kanya gaya ng kaniyang pamilya, kaibigan at higit sa lahat ay ang Panginoong Diyos na siyang hindi siya iniwan sa bawat sandali ng buhay mula mamulat sa mundo. Gayon pa man, nanatili bilang kaibigan para magabayan ang mula noon at hanggang ngayon na minamahal. Noon kabataan niya, pinili nyang mahalin ang isang tao lamang na sa huli ay iniwan din siya pero ngayong siya ay nasa wastong pagiisip, mas pinili niya na mahalin ang mga taong totoong nagmamahal sa kaniya.
Hindi sapat ang pagmamahal lamang, kailangang may halo itong paguunawaan at nararapat na naaayon sa batas ng Diyos at hindi nakakasakit ng iba lalo na ang pamilya.
Sa ngayon, kaibigan ko siya. Nasa iisang samahan. Hindi man kami hanggang sa huli, nanatili ang pagkakaibigan at pagpapahalaga. At dahil hindi natin nakilala ng lubos ang isa ‘t isa sa positibong kaugalian kahit na tatlong taon nagsama, ako nga pala si Cam. Hindi ako matalino at hindi ko din masasabing ako ay mahina, mula pagkabata ay nangangarap sumulat ng mga kwentong magiiwan ng saya at positibong pananaw sa buhay ng makakabasa. Ako ay matatag, handang sandalan ng sino mang nangangailangan. Hindi gusto na umunlad magisa at sakupin ang pagkakakilanlan, bagkos nais kayong tulungan na makasabay sa paglakad sa mas daretsong landas. Mahilig gumuhit ng mga bagay na magbibigay kulay sa lipunan. Kamay at isipan lamang ang nais na puhunan sa tagumpay na hanggang ngayon ay inaasam.
Sa ma humuhusga, hindi ko kayo kinapopootan dahil ang mahalaga sa akin ay naging totoo ako kahit sa sulat man lamang. Ipinapakilala ko ang aking sarili bilang “tropa” na matalik ng “ex” ko.